RAPE | Higit 40 pulis, kinasuhan – PNP-IAS

Manila, Philippines – Umabot na sa mahigit 40 na pulis ang kinasuhan ng Philippine National Police-Internal Affair Service (PNP-IAS) dahil sa mga reklamo ng panggagahasa mula noong 2015.

Sa tala ng PNP-IAS, mula 2015 umaabot na sa 31 ang kasong naisampa ng kasong rape kung sangkot dito ang may 43 na pulis na karamihan ay pawang mga PO1.

Sinabi ni PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, na ilan sa mga nabibiktima ay pawang mga babaeng nakakulong at mga kamag-anak nito.


Dagdag pa ni Triambulo, ang Region 3 o Central Luzon ang siyang may pinakamaraming kaso na sinundan ng Metro Manila, Calabarzon at Zamboanga Peninsula kung saan ang pinakamataas na ranggo naman na nakasuhan ay dalawang police superintendent.

Matatandaan na nito lamang November 12, 2018, isang babaeng pulis ang ni-rape ng kanyang mga kabaro sa loob ng kanilang training center sa Puerto Princesa City sa Palawan kung saan November 3 din nang i-reklamo ng isang babaeng detainee ang dalawang pulis ng Quezon City Police Districts Station-4 ng panggagahasa.

Facebook Comments