Manila, Philippines – Maliwanag para kay Senator Francis Chiz Escudero na hindi naman intensyon ni Pangulong Rodrigo duterte na hikayatin ang mga sundalo na gumawa ng kasalanan o umabuso sa umiiral na martial law sa buong Mindanao.
Gayunpaman, ikinalungkot ni Escudero na kinailangan ni Pangulong Duterte na gamitin ang isang biro na sensitibo sa mga kababaihan.
Sabi ni Escudero, kung tayo ay dapat masanay kay Pangulong Duterte ay dapat masanay din ito sa kanyang posisyon at sa kanyang titulo at sa sensitivities ng mamamayang pilipino.
Dagdag pa ni Escudero, dapat masanay din ang pangulo na bawat salita niya ay bibigyan ng kahulugan kung kaya’t mas higit na pag iingat ang kinakailangan.
Ipinaliwanag ni Escudero na ang pangulo ay hindi katulad ng isang ordinaryong taong pwedeng magbiro na wala namang nakikinig o hindi naman pinapakinggan, at hindi naman naisusulat o napipili ang sinasabi.
Binigyang diin ni Escduero na bawat salitang lumalabas sa bibig ni President Duterte ay news, at maaaring ikonsidera na polisiya o policy direction.
DZXL558, Grace Mariano