“Rape threat” sa mga Maranao women, pinalagan ng Armed Forces of the Philippines – akusasyon, unfair sa mga sundalong nagbubuwis ng buhay sa Marawi City

Manila, Philippines – Paninira lamang sa imahe ng Armed Force of the Philippines (AFP) ang sinasabing pang-aabuso ng militar sa ilang kababaihan sa Marawi City.

Kasunod ito ng alegasyon ng Gabriela Partylist, na natatakot na umano ang mga babae sa lungsod sa pangambang gagahasain sila ng mga sundalo.

Sa interview ng RMN sinabi ni AFP Spokesperson B/GEN. Restituto Padilla, hindi tamang akusahan ng ganito ang mga sundalong nagbubuwis ng buhay para makamit ang kalayaan sa Marawi.


Pero kung sakaling totoo, sinabi ni Padilla na hindi nila kokonsentihin ang ganitong gawain at handa nilang imbestigahan ang sinumang masasangkot.

Una nang hinamon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang mga nagpapalabas ng ganitong paratang sa mga sundalo na magpakita ng ebidensya at maghain ng pormal na reklamo.

Paalala pa ng kalihim sa publiko, mas mainam na tiyaking bukas ang kanilang isip at puso sa totoong nangyayari at huwag magpapaniwala sa mga tsismis at fake news.

Facebook Comments