RAPID ANTI-BODY TEST HINDI INIREREKOMEND ANG BILIHIN NG PHO SA MGA LGU

LINGAYEN PANGASINAN – Hiniling ng Provincial Health Office sa mga lokal na lider ng bawat bayan at siyudad sa lalawigan na mag-sasagawa ng mass testing para sa COVID-19 sa kanilang mga nasasakupan na mag-procure lamang ng Viral Transport Medium o iyong para sa troat swab test imbes na rapid anti-body test. Ayon kasi kay PHO Chief Dr. Anna De Guzman, nasa 30% lamang ang accuracy rate ng rapid anti-body test kits na maituturing na hindi reliable.

Dahil din sa inaccurate result ng testing kit, nakakapag-dulot ito ng takot sa mga mamamayan at maaaring phycological distress sa taong magiging positibo, ngunit kalauna’y negatibo sa rRT-PCR test kit. Maaari ding malagay sa panganib ang komunidad dahil sa mababang accuracy rate result ng rapid anti-body test kits.

Matatandaan na ilang bayan sa Pangasinan ang nag-sagawa ng mass testing gamit ang radid test kits at ilan sa mga pasyente ay nag-positibo. Ngunit kalaunan naging negatibo sa isinagawang confirmatory test sa pamamagitan ng mas reliable na testing procedure. Kaya naman binigyang diin ng PHO na mas maglaan na lamang ng pondo ang bawat alkalde sa pag-bili ng rRT-PCR test kits na mas sigurado ang resulta.


Samantala, malugod naman binahagi ng PHO na nakapag-request na ang kanilang ahensya sa provincial government ng nasabing testing kits na target ang 30,000 na indibidwal ang sasailalim sa mass testing sa lalawigan.

Facebook Comments