Rapid Damage Assessment and Needs Analysis sa pinsalang dulot ng lindol sa Koronadal City nagpapatuloy.

Nagpapatuloy pa ang isinagawang Rapid Damage Assessment and Needs Analysis ng binuong team ng local government unit ng Koronadal bilang aksyon sa nangyaring 6.3 magnitude na lindol.
Sa ipinatawag na emergency meeting ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ng Koronadal napagkasunduan ayon kay CDRRM Action Officer Cyrus Urbano na iprayoridad sa isinagawang damage assessment ang mga vital installation facilities sa lungsod tulad na lamang ng mga school buildings at mga government offices.
Sa inisyal na datos na natanggap ng CDRRMO may pader na bumagsak, nadagdagan ang bitak sa school building at BPATS building ng Brgy. Cacub.
Nakitaan din ng bitak ang building ng iilang establishement at mall sa lungsod.
Inaasahan na madagdagan pa ang pinsalang dulot ng lindol sa mga imprastruktura sa lungsod.
Hanggang ngayong araw lamang ang ibinigay sa RDNA team na magsubmit ng kanilang report sa council na maging batayan ni Mayor Eliordo Ogena sa paglift ng suspension ng klase ngayong araw sa lungsod.
Samantala, batay sa rekord ng South Cotabato Provincial Hospital pito katao ang nagtamo ng minor injuries at dalawamput dalawa naman ang isinugod sa hospital matapos mahilo at nahirapan sa paghinga.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments