Rapid damages & needs assessment isinasagawa na ng PDRRMO ng Cagayan matapos hagupitin ng Bagyong Maring

40

Nagpadala na ng mga tauhan ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Cagayan upang makita ang kabuuang epekto o pinsala ng Bagyong Maring sa lalawigan at kung ano pang tulong ang maaaring maipagkaloob sa mga apektadong residente.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Cagayan PDRRMO Col. Darwin Sacramed na sa ngayon ay tuloy-tuloy ang PDRRMO sa pagko-coordinate sa bawat isa at kasalukuyan nang ginagawa ang rapid damage needs assessment.


Aniya, kapag nakumpleto na ang report ay agad itong ipadadala sa national government para sa kaukulang aksyon.

Base sa inisyal na report, aabot sa P46M ang pinsalang iniwan ng Bagyong Maring, matapos manalasa sa Cagayan.

Sa ngayon, 2 ang naitalang casualties sa Cagayan at 5 pamilya pa ang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center.

Facebook Comments