Rep. Mercado itinalaga bilang bagong kalihim ng DPWH

53

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Southern Leyte Rep. Roger Mercado, bilang bagong kalihim ng Department of Public Works & Highways (DPWH).

Nanumpa si Mercado kay Exec. Sec. Salvador Medialdea.


Si Mercado ang papalit sa binakanteng posisyon ni dating DPWH Sec. Mark Villar na naghain ng kandidatura sa pagkasenador sa nalalapit na eleksyon 2022.

Facebook Comments