Nagtatag ng Rapid Emergency Telecommunications Team ang DSWD para sa disaster response operations sa Central at Northern Luzon.
Naglagay na din ng internet connection sa National Emergency Center sa Clark, Pampanga.
Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, mas kailangan nila ngayon na magkaroon ng tuloy tuloy na komunikasyon sa rehiyon lalo pa at walang supply ng kuryente sa ilang lugar bunga ng malawakang pagbaha at malalakas na pag-ulan.
Base sa huling ulat ng DSWD-Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, may 297 evacuation centers sa Regions 1, 3, 6, CAR, NCR, Calabarzon at MIMAROPA ang bukas pa.
Habang ginagawa na rin ng DSWD Field Office ng MIMAROPA ang assessment sa mga evacuees sa Oriental Mindoro para sa relief operations, gayundin sa Imus City at Bacoor City sa Cavite.
Pagtiyak pa ng kalihim na pinabibilis pa ng mga field offices ng ahensiya ang validation at assessment sa mga apektadong rehiyon para maipadala ang mga pagkain at non-food items na kinakailangan.