Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na papunta na ng Sri Lanka ang Rapid Response Team na aalalay sa mga Pilipino doon na naipit sa economic crisis ng nasabing bansa.
Ang naturang team ang magsasagawa ng assessment at mga paghahanda sa posibleng repatriation sa mga Pinoy doon.
Sa ngayon kasi ay patuloy na nakakaranas sa kakapusan ng supply ng pagkain at gasolina sa Sri Lanka.
Una nang nag-abiso ang Philippine Embassy sa Dhaka, Bangladesh, sa mga Pilipino sa Sri Lanka na nais nang umuwi ng Pilipinas, na makipag-ugnayan lamang sa Philippine Consulate General (PCG) sa Colombo, o di kaya sa Embahada sa Dhaka kung nais nilang sumailalim sa repatriation.
Halos 600 ang mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa Sri Lanka.
Facebook Comments