FEJODAP, muling umaapela sa modernization program ng pamahalaan

35

Muling umaapela ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines o FEJODAP hinggil sa ipinatutupad na modernization program ng pamahalaan sa sektor ng transportasyon.

Sa isang panayam, sinabi ni FEJODAP President Ricardo Boy Rebano na hindi talaga kakayanin ng mga jeepney driver at operator ang mga kailangan requirements sa modernisasyon.

Kaya aniya maraming prangkisa nila ang nawalan na ng silbi.


Paliwanag pa ni Rebano, mawawalan ng halaga ang mga ganitong hakbangin kung hindi naman makakasunod partikular ang mga maliliit na driver at operator na hindi pa nakakabangon mula sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments