Rapper na si John Roa, tumiwalag na sa Ex Battalion

Umalis na sa grupong Ex Battalion ang rapper at songwriter na si John Roa.
Nilinaw naman niya na maayos siyang nakapagpaalam sa grupo para ipagpatuloy ang musikang nais niyang gawin. Suportado pa rin naman siya ng kanyang mga kaibigan sa Ex Battalion.
Naging ispekulasyon sa kanilang mga fans na kaya nais daw nitong mag-solo kaya umalis sa grupo pero nilinaw ni John na nais niya lang madiskubre pa ang totoong musikang gusto niya.

Facebook Comments