Pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa, hindi pag-atake sa malayang pamamahayag – Palasyo

Manila, Philippines – Nanindigan ang Malacañang na ang pag-aresto kay Rapple CEO, Executive Director Maria Ressa ay hindi pag-atake sa malayang pamamahayag o freedom of expression.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos arestuhin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mamamahayag dahil sa kasong cyber libel.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – dapat pagtuunan ni Ressa ang kanyang legal defense kaysa akusahan ng harassment ang administrasyon.


Dagdag pa ni Panelo – nakakita ang Department of Justice (DOJ) ng probable cause para kasuhan si Ressa.

Nanindigan din ang Palasyo na walang intensyon si Pangulong Rodrigo Duterte na patahimikin ang kanyang mga kritiko lalo na sa kanyang mga isinusulong na polisiya.

Iginagalang sa Pilipinas ang pagpapahayag ng sariling opinyon at komento.

Facebook Comments