Rappler CEO Maria Ressa, laya na matapos makapaglagak ng piyansa

Manila, Philippines – Naglagak na ng P100,000 piyansa si Rappler Ceo at Executive Editor Maria Ressa kaugnay ng kaso nitong cyber-libel.

Si Ressa ay nagpalipas ng magdamag sa opisina ng NBI matapos arestuhin kahapon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Manila RTC branch 46.

Nag-ugat ang kaso sa isang artikulo ng Rappler noong 2012 kung saan sinisiraan umano ang negosyanteng si Wilfredo Keng.


Ayon kay Ressa, ito na ang ika-anim na beses na nagpiyansa siya sa loob lang ng dalawang buwan at ang unang beses na siya ay naaresto.

Giit niya, hindi pa naisasabatas ang cyber-libel noong nalathala ang artikulo kaya hindi ito dapat sakop ng batas.

Para kay Ressa – ang pag-aresto sa kanya ay malinaw na pag-abuso ng kapangyarihan at paggamit ng batas laban sa mamamayan.

Kasabay nito, nagpasaring din si Ressa kay DOJ Secretary Menardo Guevarra at iginiit na may karapatan siyang papanagutin ang kalihim.

Facebook Comments