Rappler CEO Maria Ressa, muling sumalang sa pagdinig kaugnay ng kanyang cyber libel case

Sumalang na sa pre-trial sa Manila RTC branch 46 si Rappler CEO Maria Ressa para sa kanyang kasong cyberlibel.

Personal na humarap sa pagdinig si Ressa kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Theodore Te sa sala ni Judge Rainelda Estacio-Montesa. Kapwa akusado ni Ressa ang writer nitong si Reynaldo Santos Jr.

Ayon kay Atty. Te, walang napagkasunduan ang panig ng prosekusyon at depensa sa mediation meeting para sana maayos ang civil liability sa kaso.


Dahil dito, balik sila sa trial court ang pagdinig sa kaso.

Kanina, naglatag na ang prosekusyon ng kanilang mga magiging testigo at ebidensya at nagkaroon na rin ng mga markings ng mga dokumento.

Nag-ugat ang kaso ni Ressa sa isang artikulo ng Rappler noong 2012 kung saan sinasabing ipinagamit ng negosyanteng si Wilfredo Keng ang sasakyan nito kay dating Chief Justice Renato Corona noong  panahon ng impeachment hearings laban sa yumaong punong mahistrado.

Facebook Comments