Hiniling sa Makati Prosecutor’s Office ni Rappler CEO Maria Ressa na ibasura ang pangalawang Cyber Libel complaint laban sa kaniya na inihain ng businessman na si Wilfredo Keng.
Sa 18-page counter affidavit na inihain ni Ressa, sinabi nito na pawang “false at malicious allegations” ang isinampa sa kaniya ni Keng.
Base rin aniya sa 2014 Supreme Court ruling, itinuturing na constitutional ang Online Libel provision sa Anti-Cybercrime Law, kaya maaari lang itong gamitin sa original authors ng libelous material at hindi sa tumanggap o nag-react dito.
Sina Ressa at dating Rappler Researcher-Writer na si Reynaldo Santos ay una nang hinatulan ng korte ng pagkakakulong mula 6 na buwan hanggang isang taon, at pinagbabayad din ng kabuuang P400,000 na danyos dahil sa kasong Libel.
Pero nakapaglagak na ng piyansa si Ressa kaya pansamantala na siyang nakalaya.