Raptors, nalasap ang ikawalong sunod-sunod na pagkatalo kontra Cavaliers

Nalasap ng Toronto Raptors ang ikawalong sunod-sunod na pagkatalo kontra Cleveland Cavaliers sa score na 116-105.

Nanguna sa Cavaliers si Collin Sexton na nakagawa ng 36 points at si Jarrett Allen na may 17 puntos at 15 rebounds.

Naging sandalan din ng Cavaliers sina Dean Wade na may 16 points, Darius Garland na may 15 points at Larry Nance Jr. na may 10 points.


Nasayang naman ang 23 points ni Fred VanVleet para sa Raptors.

Facebook Comments