Manila, Philippines – Magsasagawa ng mga biglaang inspeksyon ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa mga pampasaherong bus.
Ito ay para matiyak na nasusunod ng mga bus driver ang panuntunan ng ahensya sa mga dapat ipalabas sa kanilang telebisyon.
Ayon kay MTRCB Chairperson Rachel Arenas, dapat ay Rated G at PG ang mga palabas na angkop sa lahat ng mga pasahero lalo na sa mga bata.
Posible ring maparusahan ang mga tsuper na gumagamit ng USB na naglalaman ng mga pirated movies.
Bibigyan muna ng una at ikalawang warning o babala ang mga tsuper na mahuhuli.
Bukod sa mga mahuhuling bus driver, pwede ring panagutin ang mismong may-ari ng bus.
Sa mga nais magreklamo sa mtrcb monitoring and inspection unit, mag-text lang sa numerong 0920-949-2460 o mag-email sa admit@mtrcb.gov.ph.