Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Local Government Unit ng Echague katuwang ang Department of Trade and Industry Isabela at ang Design Center of the Philippines na naglalayong panatilihin ang limang dekada ng industriya ng rattan sa Echague.
Dinaluhan ng 57 na miyembro ng Echague Rattan Weavers and Manufacturers Association ang nasabing expo.
Tampok sa expo ang mga produktong upuan, lamesa, dividers at mga pandekorasyon sa bahay na gawa sa rattan.
Sa pagbubukas ng aktibidad, pinasalamatan ni Echague Local Chief Executive Francis Faustino Dy ang mga organizers gayundin ang mga weavers at craftsmen na nakibahagi sa aktibidad na nagpapakita ng pagkamalikhain at mayamang tradisyon ng rattan furniture-making industry sa Echague.
Hinimok naman ni PD Ma. Sofia Narag ng DTI Isabela ang mag exhibitors na huwag matakot na palawakin pa ang kanilang mga likha upang maabot ang mas malawak na merkado sa lokal at maging sa buong mundo dahil aniya ay buo naman ang suporta ng DTI, LGU, at iba pang ahensya sa kanila.
Dumalo rin sa aktibidad si Senior Industrial Design Specialist na si Rowe A. Requejo ng Design Center of the Philippines at sinabi na kailangan hikayatin ang mga bagong henerasyon sa paggawa ng rattan furniture upang mas mapaunlad ang sektor ng rattan sa Echague sa mga susunod na taon.
Bukod sa pagpapakita ng mga rattan crafts ng mga Echague weavers at furniture makers, layunin din ng eksibisyon na matulungan ang mga exhibitor na mas mapaganda pa ang kanilang produkto.
Samantala, nangako naman si Mayor Dy na bibigyan ng tig- P10, 000 ang bawat exhibitor kapalit ng kanilang produkto bilang pagsuporta.