Raymar Jose – opisyal nang pasok sa Gilas pool matapos palitan si Arnold Van Opstal

Manila, Philippines – Opisyal ng pinalitan ni Raymar Jose si Arnold Van Opstal sa bagong line up ng Gilas pool ng koponan ni national team coach Chot Reyes.

Ayon kay Coach Reyes – dahil sa hindi pagsama ni van sa mga practice ng koponan kaya nagdesisyon na ito na hindi na isasama sa Gilas pool.

Dagdag pa ng national team coach, target talaga nila si Raymar Jose, kaya naman nung nalaman nilang nagka-achilles injury si Van Opstal ay agad namang inimbitahan at pumayag din kaagad-agad si Raymar Jose.


Samantala, agad isinabak sa pagpapatuloy na practice ng Gilas pool si Raymar Jose kasama sila Bobby Ray Parks, Kevin Alas at Baser Amer Meralco na bagong miyembro ng Gilas pool noong Martes sa Meralco gym.

Facebook Comments