Raymart Santiago, may bagong girlfriend?

May girlfriend na raw ang aktor na si Raymart Santiago.
Ayon sa chika, ang pangalan ng non-showbiz girlfriend ay si AC Legarda na isang senior divison manager ng Ayala Land at pinsan ni Sen. Loren Legarda.
Matagal na raw nagkaroon ng relasyon ang dalawa ngunit “super private” ito.
Simula 2016 ay nakikita na raw sa mga larawan sa facebook na magkasama si Raymart at AC.
Nitong nakaraang Linggo lang, February 25, dumalo si Raymart at ilang kaibigan sa birthday celebration ng nasabing kasintahan.
Gaya rin ng actor hiwalay sa kaniyang asawa at mayroon ng dalawang anak ang kasintahan nito.

Facebook Comments