Raymond Gutierrez, ibinahagi kung bakit natagalan ang pag-amin niya sa kasarian

2936

Ibinahagi ng celebrity at model na si Raymond Gutierrez kung bakit natagalan siyang aminin ang kaniyang kasarian.

Sa Instagram account, ipinost ni Raymond ang screenshot kung saan tampok siya bilang cover sa isang entertainment site.


Sa caption nito ay “It’s been a long time coming” na may rainbow flag na sumisimbolo ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community.

Ayon kay Raymond, ngayon niya lamang ito ibinunyag dahil hindi naman daw kailangan pa isapubliko ang kaniyang seksuwalidad.

Dagdag ng aktor, minsan na siyang nakaranas ng depresyon dahil sa diskriminasyon noong 19 taon pa lamang siya.

Sa ngayon daw ay nais niyang maging inspirasyon sa mga taong natatakot pang ibunyag kung ano talaga sila.



Facebook Comments