Nagsara na ang third regular session sa ilalim ng 19th Congress pero hindi naratipikahan ng Senado ang Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement o RCEP.
Ito ay dahil nag-aalala ang ilang senador sa kawalan ng katiyakan na mapoprotektahan ang ating sektor ng agrikultura sa RCEP na isang kasunduan ng iba’t ibang bansa ukol sa maluwag na kalakalan.
Kumbinsido si Senator Francis “Kiko” Pangilinan na makabubuti sa ating industriya at serbisyo sa publiko ang RCEP pero posibleng maapektuhan nito ang ating agrikultura kung walang interventions na gagawin ang pamahalaan.
Si Senate President Vicente “Tito” Sotto III naman ay dudang lubos na ang kahandaan natin sa RCEP.
Ipinaalala rin ni Sotto ang hindi magandang karanasan natin sa World Trade Organization kung saan wala palang safeguards or proteksyon ang mamamayang Pilipino.
Duda naman si Senator Panfilo “Ping” Lacson na kaya nating makipagsabayan sa ibang mga bansa na kasama sa RCEP.
Para kay Lacson, parang langgam lang ang Pilipinas kumpara sa China na maikukumpara sa elephant habang maituturing naman na baby elephants ang Japan at Australia, at katulad naman ng kabayo ang mga bansang South Korea, Singapore, Malaysia, at New Zealand.