RD Nieves, Namahagi ng mga Bagong Baril, Gamit sa Ramon Police Station

Cauayan City, Isabela- Personal na namahagi ng mga bagong armas at mahahalagang gamit si Police Brigadier General Crizaldo Nieves, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 2 sa Ramon Police Station sa kanyang ginawang pagdalaw kamakailan.

Ang ipinamahaging set ng Computer ay bahagi ng iniimplimentang PRO2 E-Serbisyo Program at PNP’s E-Sumbong ng kapulisan sa rehiyon dos para sa mas mabilis na pagtugon ng pulisya sa sumbong o hinihinging tulong ng komunidad.

Muling ipinaalala ng pinuno ng PRO2 sa kapulisan ang adbokasiya nito na dapat ang pulis ay “Nakikita, Nararamdaman at Nagugustuhan ng taumbayan”.


Bukod dito, nag-abot din si PBGen. Nieves ng cash incentives sa mga tauhan PNP Ramon sa kanilang mga nagawang operasyon at accomplishments sa nasasakupan.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Mayor Jesus D. Laddaran, Bishop Marlene Respicio, Christ the Source of Life Global Church; Mrs. Imelda Nieves, Regional Adviser, PRO2 Officers’ Ladies Club; at si Police Colonel James Cipriano, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Facebook Comments