RDC 9 buo ang suporta sa Martial Law declaration ng pangulo

RegionalDevelopment Council 9, buo ang suporta sa Martial Law declaration ng pangulo.
  Buo ang suporta ng RegionalDevelopment Council Region 9 (RDC-9) Zamboanga Peninsula sa pangunguna niActing RDC chairperson at National Economic Development Authority RegionalDirector Teresita Socorro Ramos sa Martial Law declaration ni Pangulong RodrigoDuterte sa Mindanao.
  Sa ginawang 158thregular RDC meeting na ginawa sa Top Plaza Hotel ng syudad ng Dipologkamakailan, sinuportahan ng mga sakop ng RDC 9 ang Resolution No. 31, series of2017 a resolution “Supporting the Declaration of Martial Law in Mindanao”.
 At para malinaw sa lahat ang Martial Law declarationng pangulo, i-prenisenta ni Col. Jacinto Bareng, Commanding Officer ng 102ndInfantry Brigade, Philippine Army ang isang video presentation na nagpapakitakung bakit kailangang ideklara ang Martial Law sa Mindanao.

Facebook Comments