Tanggapan ng Bureau of Immigration sa Sta Rosa, Laguna – sarado sa Lunes

217

Sta. Rosa, Laguna – Nag-abiso ang Bureau of Immigration na sarado ang kanilang tanggapan sa Sta Rosa, Laguna sa darating na Lunes (June 19, 2017).

Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 222, kung saan idinideklara ang special non-working holiday sa Laguna, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-156th na anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Jose Rizal.


Mananatili namang bukas ang ibang mga tanggapan ng Bureau of Immigration sa Lunes, habang magbabalik naman sa normal na serbisyo ang Santa Rosa Immigration Field Office sa Martes (June 20, 2017).

Facebook Comments