Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ni Senator Francis Chiz Escudero na hindi pwede ang re-declaration o muling pagdideklara ng martial law sa kaparehong lugar tulad sa buong Mindanao na may parehong banta.
Paliwanag ni Escudero, ang maari lamang gawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang hilingin sa kongreso i-extend o palawigin ang Batas Militar na umiiral na ngayon sa Mindanao.
Reaksyon ito ni Escudero sa pahayag ni Presidential Legal Adviser Atty. Salvador Panelo na kapag natapos na ang 60 araw na martial law sa Mindanao at hindi ito napalawig ay maari namang magdekalra na lang muli ng martial law ang Pangulo.
Ayon kay Escudero, dapat maging maingat ang mga adviser ni Pangulong Duterte upang maiwasan ang anumang constitutional issues.
‘’If it’s for the same area and to address the same threat, it is, for all intents and purposes, an extension and not a ‘re-declaration.’ I hope the legal advisers of the President will exercise more prudence instead of advising him “trailblazing legal theories” that may raise more constitutional issues than settling them,” paliwanag ni Escudero.