Manila, Philippines – Naghain na ngayong araw ng kanilang mga Certificate of Candidacy (COC) ang ilang mga kongresista na tatakbo para sa re-election sa May 2019 midterm election.
Sa simula ng Undas break sa Kamara ay naghain na kaninang umaga para sa re-election sina Quezon City Representative Kit Belmonte at sina Kabayan Representative Ron Salo at Paul Hernandez.
Maghahain din ngayong araw sina Senior Citizens Partylist Francisco Datol at Leyte Representative Henry Ong.
Samantala, bukas naman ilang kongresista ang maghahain din sa re-election kabilang dito sina 1PACMAN Party list Representative Mikee Romero, AANGAT Tayo Partylist Representative Harlin Neil Abayon habang para sa Governor position naman na ang ihahain na COC ni Ifugao Representative Teddy Baguilat.
Para sa re-election din ang ihahaing COC sa Lunes, October 15 nila Ako Bicol Representative Alfredo Garbin, Akbayan Representative Tom Villarin at Caloocan Representative Edgar Erice.
Sa Lunes naman ay maghahain for Senatoriable sina Magdalo Representative Gary Alejano at Maguindanao Representative Zajid “Dong” Mangudadatu.