Re-election ni Sen. Pimentel noong 2019 elections, pinadedeklarang iligal

Hiniling ni Attorney Ferdinand Topacio sa Korte Suprema na ideklarang iligal ang re-election ni Senador Koko Pimentel noong 2019 elections.

Sa petition for certiorari ni Topacio, inihirit nito na ipawalang bisa ang kautusan ng Commission on Elections (COMELEC) na nagaapruba sa Certificate of Candidacy (COC) ni Pimentel.

Partikular na hiniling ni Topacio ay kanselahin ng Supreme Court ang COC ni Pimentel.


Ayon kay Topacio, hindi pinapayagan sa saligang batas ang pagtakbo sa ikatlong termino ng mga Senador.

Iginiit ng abogado na nanungkulan na ng dalawang magkasunod na termino si Pimentel bilang Senador.

Aniya, ang unang termino ni Pimentel ay nang ideklara ng senate electoral tribunal na nahalal itong Senador noong 2007 elections kung saan nanungkulan ito mula August 2011 hanggang June 2013.

Ang pangalawang termino naman aniya ni Pimentel ay nang manalo ito bilang senador noong 2013 polls at naupong senador mula 2013 hanggang 2019.

Facebook Comments