Magkakaroon muli ng reenacted budget sa 2020.
Ito ang inamin ni Senate President Vicente Sotto III matapos agdaan ang niratipikahang bicameral report ng p4.1-trillion proposed national budget.
Ayon kay Sotto, alam na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang laman ng pambansang pondo pero posibleng matagalan pa bago ito malagdaan dahil na rin sa tagal ng printing.
Dahil dito, limang araw muna aniyang pagaganahin ang reenacted budget dahil posibleng sa Enero 6 pa mailabas ang budget.
Pero pagtiyak ni Sotto, hindi ito makakaapekto sa pamahalaan.
Tiniyak din naman ng palasyo na mahigpit na binubusisi ng pangulo ang budget.
Ayon kay Panelo, hindi nagbabago ang paninindigan ng pangulo na i-veto ang anumang batas na hindi naaayon sa saligang batas.
Facebook Comments