China – Inaasahang babagsak mula sa kalawakan ang isang Chinese Space Lab.
Ayon sa European Space Agency at China Manned Space Engineering Office, papasok sa atmosphere ng daigdig ang ‘tiangong-1’ o ‘heavenly palace’ na may 40-talampakang haba.
Sa tantya ng dalang ahensya, posibleng mangyari ito sa pagitan ng Linggo ng gabi hanggang ngayong umaga.
Pinawi naman ng mga ahensya ang pangambang pagbagsak ng mga debris nito dahil masusunog at madudurog na ito sa kanyang re-entry sa atmosphere.
Maitutulad ang pagbagsak nito gaya ng mga meteor showers.
Facebook Comments