Baguio, Philippines – Malungkot na ipinahayag ng alkalde ng Baguio City, Mayor Benjamin Magalong, ang pagpuputol ng nasa higit 53 Benguet pine at isang Norfolk pine sa Purok 3, Outlook Drive Barangay dahil sa inisyung moratorium na ibinigay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Cordillera sa isang high rise buildings ng Vista Residences Inc. kung saan nakasaad ang tree-cutting at konstruksyon.
Ayon sa alkalde, habang apektado ang bansa ng krisis, ganun din ang moratorium na kailangang asikasuhin ng mabuti para masigurado ang kaligtasan ng mga natitirang puno sa lugar.
Sa isinagawang meeting kasama ang alkalde ng siyudad, representatibo ng Vista Residence Inc. na si Engr. Ferdinand Salcedo at sa pamumuno ni DENR-CAR Regional Executive Director Ralph Pablo, ipinakita nya ang nakatalang dokumento ng kumpanya kung saan, maaga pa lamang ay nakapag-sumite na ang kumpanya ng mga requirement at sumunod sa ilang mga alituntunin tulad ng pagtatanim ng 100 tree seedlings, ngunit kulang ito ayon sa mayor, kaya saan pinapa-dagdagan nya ito ng higit 200 kada naputol na puno kung saan sumang-ayon naman ang representatibo ng kumpanya.