Re-integration program ng DOLE, pinalalakas para maging epektibo sa mga OFW

Manila, Philippines – Naniniwala ang DOLE na malaking tulong ang pakikipag-ugnayan ng International Organization for Migration at Overseas Workers Welfare Administration upang mapaigting, mapalakas at mas maging epektibo ang re-integration ng mga Overseas Filipino Workers.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa pangunguna ng OWWA at ng DOLE-National re-integration Center for OFW’s ang Re-integration Summit ay isang aktibidad matapos ang Sectoral at IslandWide Consultations para sa pagpapalawak ng re-integration program sa OFW’s at sa pagtutulungan ng DOLE at IOM ang Enhancing Re integration program for OFW’s ay naglalayong palawakin ang Inclusive Policy Framework at gawing mas tugma ang pagbibigay ng serbisyo upang mapalakas ang programa ng pamahalaan sa integration ng mga OWF.

Layon din nito na mas mapaigting ang pag unawa ng mga OFW at kanilang pamilya,maging responsable at makakuha ng mga oportunidad para sa Re- integration, mapagsama ang migrasyon para sa pag unlad ng pagpaplano ng negosyo, pagtukoy ng tamang mapagkukunan at kalusugan upang sumuporta sa pagpapatupad ng pinagsama o magkaparehong inisyatibo para sa re-integration.


Facebook Comments