Manila, Philippines – Nakatakda muling paganahin ng Department of Education (DepEd) ang kanilang Election Task Force (ETF) at Monitoring Center sa kanilang central office sa Pasig City.
Layunin nitong matulungan ang mga public school teachers na magbibigay ng kanilang serbisyo sa nalalapit na May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Ayon kay DepEd Undersecretary for Administration Alain Del Pascua, ang reactivation ng Election Task Force (ETF) ay makakasigurong mabibigyan ng technical at legal assistance ang mga guro.
Itatayo ang naturang task force sa bulwagan ng karunungan sa DepEd central office sa Pasig mula May 13 hanggang 15.
Facebook Comments