Bumama ng 12 porsyento ang kaso ng Dengue sa lalawigan ng Maguindanao noong nakaraang taon .
Base sa data ng IPHO Maguindanao as of December 31, 2017, umabot sa 771 ang nagkadengue sa buong lalawigan ayon na rin sa panayam ng DXMY kay Maguindanao Health Officer Dr. Tahir Sulaik.
Sinasabing nagkakaedad ng 3 buwang gulang hanggang 88 years old ang kinapitan ng dengue fever noong nakaraang taon, pinakamarami mula sa Shariff Aguak na nakapagtala ng 129 cases, Datu Paglas 86, Datu Odin Sinsuat 61, North Upi 59 at Buluan 40 , labing isa katao ang namatay dahil sa dengue fever noong 2017 sa lalawigan dagdag pa ni Dr. Sulaik.
Kaugnay nito nagpapatuloy ang panawagan ng IPHO Maguindanao na makiisa sa kanilang kampanya upang makaiwas sa mga lamok na nagdadala ng dengue, mas nakakabuti aniyang ugaliin pa rin ang paglilinis ng kani kanilang mga bakuran upang di pamugaran ng lamok lao na Aedes giit ni Dr. Sulaik.
READ: 11 nasawi dahil sa Dengue sa Maguindanao noong 2017
Facebook Comments