READING TUTORIAL SA 32 PAMPUBLIKONG PAARALAN SA LINGAYEN, UMARANGKADA

Umarangkada ang reading tutorial program ng Department of Social Welfare and Development Region 1 sa mga 32 pampublikong paaralan sa Lingayen.

Bukod sa pag-alalay ng mga tutors at Youth Development Workers ng tanggapan sa mga mag-aaral, tinutukan din ang maayos na pagsubaybay ng mga magulang at guro sa Nanay-Tatay Teacher sessions upang tuloy-tuloy ang progreso sa pagbabasa ng Kabataan.

Sa ilalim ng programa, nabibigyan din ng educational assistance ang mga financially disadvantaged college students tutor at Youth Development Workers upang makapagtapos sa pag-aaral.

Magtatagal ng 20 araw ang reading tutorial session sa Pangasinan na magtatapos sa July 12. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments