
Manila, Philippines – Handa na ang Bureau of Fire Protection sa pagtugon sa sunog ngayong pasko at bagong taon.
Ayon kay BFP Spokesperson Fire/Supt. Joanne Vallejo , titiyakin ng Fire Bureau na gawing fire-hazard-free ang Christmas at New Year’s season sa pamamagitan ng kanilang Oplan Iwas Paputok campaign.
Pinaiigting na ng BFP ang kanilang fire prevention information campaigns; pagpapatupad sa mga provision ng Fire Code; at ang pakikipagtulungan sa mga concerned agencies, LGUs, law enforcement agencies para fire at emergency response.
Base sa records ng BFP, umabot ng 14 na fire incidents sa buong bansa ang naitala sa nakalipas na pagsalubong sa bagong taon.
Nangyari ang mga sunog sa pagitan ng gabi ng December 31, 2017 hanggang January 1, 2018 na ang karamihan ay sanhi ng paggamit ng pyrotechnics at firecracker.









