IPAGDIRIWANG | PRRD, sa Davao magpa-pasko

Inihayag ng Palasyo ng MalacaƱang na sa Davao City ipagdiriwang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasko.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, Davao City ang comfort zone ni Pangulong Duterte kaya doon ipagdiriwang ng Pangulo ang Pasko kasama ang kanyang Pamilya.

Bukod aniya sa pamilya ay asahan din na dadalaw muli si Pangulong Duterte ang mga batang may kapansanan lalo na ang mga may malulubhang sakit tulad ng Cancer dahil malambot ang puso ng Pangulo sa mga ito.


Paliwanag ni Panelo, mababaw ang luha ng Pangulo sa mga batang may sakit kaya siguradong maglalaan ito ng kanyang oras ngayong Holiday Season.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay dinalaw ni Pangulong Duterte ang Southern Philippines Medical Center at ang House of Hope sa Davao City kung saan ay namigay ito ng Aguinaldo sa mga batang may sakit.

Facebook Comments