Manila, Philippines – Handa nang sumali sa labor force ang unang batch ng
magtatapos sa K to 12 program.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Usec. Tonisito Umali – maari nang
makapagtrabaho ang mga magsisipagtapos sa ilalim ng Technical-Vocational
Livelihood Track o mga mag-aaral na wala ng planong magpatuloy sa kolehiyo.
Ani Umali, kumpiyansa ang DepEd na handa na ang mga K to 12 graduates sa
kanilang napiling larangan.
Sa Abril nakatakdang magsipagtapos ang unang batch ng mga mag-aaral na
kumuha ng K-to-12 program.
Facebook Comments