Reaksyon sa ‘meron bang seminar diyan?’ ni Bato, hati

600
Courtesy of Ronald "Bato" Dela Rosa Official Facebook Page

Hati ang reakson ng netizens sa sinabi ni dating police at corrections chief, na ngayo’y pang lima sa Senate race, Ronald “Bato” Dela Rosa tungkol sa unang plano nitong gawin bilang senador.

“Meron bang seminar diyan o ano bang training diyan para matutunan ko ‘yung paano gawin ‘yung batas. Ano ba ang mga trabaho namin diyan sa Senado? Kung merong ganun, I will take that opportunity para matuto ako,” ani Bato sa isang pahayag sa CNN Philippines.


May mga nagpahayag ng pagkadismaya sa sagot ni Bato at nagsabing hindi ito karapat-dapat sa posisyon.

Sa kabila nito, mayroon ding mga nagtanggol sa kandidato na nagsabing honesty at humility ang ipinakita nito.

Facebook Comments