Tatay na may bitbit na bouquet at chicken joy bucket, viral!

349
Courtesy Facebook/JL Balico Agonias

Walang pinipiling edad ang pagmamahal. Yan ang pinatunayan ng isang tatay na piniling piniling umupo sa sahig ng jeep para maihatid agad ang biniling bouquet at bucket ng chicken joy.

Nitong Sabado, kinuwento ni Facebook user JL Balico Agonias ang kalagayan at sweet surprise ni Tatay sa kanyang ilaw ng tahanan. Sinulat niya ang linyang “my heart melts.”


Kaya ang puso ng mga netizens, naantig sa ginawa ni Tatay. Tuwang-tuwa sila sa effort at kahit maputi na ang buhok niya, nananatili pa din siyang malambing.

Umabot na sa 52,000 likes at 93,000 shares ang nasabing post. Sa ngayon, tinutukoy pa din kung sino ang lalaki sa viral photo.

Facebook Comments

From Advertisers