Real numbers sa war on drugs, isasapubliko ng DILG

Manila, Philippines – Inanunsyo ni Interior  Secretary Eduardo Año na ilalabas nila ang real score sa war on drugs.

Ito ay sa pamamagitan ng ilulunsad na web-based centralized information system.

Ang web-based info system ay magsisilbing central reporting system na kokolekta, mag-iimbak at magmamapa ng data sa kampanya kontra illegal drugs sa buong bansa.


Pangangasiwaan ng Interagency Committee on Anti-Illegal Drugs Information System ang gagamitin na web-based centralized information system.

Ayon kay Año, malaki ang maiaambag ng AIDIS  sa Interagency Committee on Anti-Illegal Drugs dahil lahat ng mahahalagang impormasyon at numero patungkol sa ginagawa ng iba’t ibang ahensiya kontra droga ay makikita na ng publiko.

Kaugnay nito, naniniwala ang DILG chief na makakatulong si Vice President Leni Robredo bilang ICAD co-chair dahil maaring makuha nito ang kakailanganing  impormasyon sa international community, partikular ang European Union para sa pagputol sa suplay ng droga sa bansa.

Facebook Comments