Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff General Cirilito Sobejana na itinalaga si Rear Admiral Adeluis Bordado bilang pang-39th Flag Officer-in-Command ng Philippine Navy.
Ito ay sa harap na rin ng pagreretiro sa serbisyo ni outgoing Philippine Navy Chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo ngayong araw.
Ayon kay Sobejana, suportado ng AFP ang pagtatalaga kay Bordado bilang bagong Navy Chief.
Aniya, bihasa na si Bordado sa paghawak ng iba’t ibang command, management at staff positions hindi lang sa Philippine Navy kundi maging sa buong AFP.
Siya ay kilala bilang magaling sa operations, intelligence, information technology, budget, planning, at education and training.
Kaya naman naniniwala si Sobejana na ang kanyang kakayahan at karanasan ay makakatulong sa Philippine Navy partikular sa modernization program upang mas mapagtuunan ng pansin ang internal at external security challenges na kinakaharap ng bansa.