Matatanggap na sa Pebrero ng mga customer ng Maynilad ang rebate o balik-bayad para sa konsumo sa tubig.
Kasunod ito ng ₱27.4 million na ipinataw na multa ng Manila Waterworks and Sewerage System o MWSS sa Maynilad dahil sa paglabag nito sa kontrata na dapat silang mag-supply ng tubig 24/7.
Nasa ₱101.30 hanggang ₱376.78 na rebate, depende sa konsumo kada buwan ang matatanggap ng mga customer na nakaranas ng water service interruption mula noong December 2022 hanggang January 2023.
Matatanggap ito ng mahigit 200,000 households sa mga lungsod ng Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas at mga bayan ng Bacoor, Imus, Rosario at Noveleta sa Cavite.
Tiniyak naman ng MWSS – Regulatory Office na mahigpit nilang imo-monitor ang pagsunod ng Maynilad sa rebate program.