Cauayan City, Isabela – Ipinakita ng 86th Infantry (Highlander) Battalion na seryoso ang kanilang hanay sa mga ipinangako sa mga NPA surenderees.
Sa tulong ng DOLE,DTI, DA, DSWD at TESDA, tinipon ng 86th Infantry (Highlander) Battalion ang 13 NPA surenderees sa Brgy Uno, Jones, Isabela para bigyan ng pag aaral sa ilang livelihood programs na ipinangako sa kanila.
Sa naging pahayag ni Mr. Romeo Panopio II, ng DTI Isabela, mahalagang samantalahin ang mga ganitong pag aaral para magkaroon ng kaalaman at mapalago ng mga dating kasapi ng NPA ang kanilang mga kabuhayan. Nangako naman ang TESDA, bibigyan ang mga dating pulang mandirigma ng pagsasanay upang mas lalo pa silang mapahusay at mahubog ang kanilang kaalaman sa bawat kursong kukunin.
Samantala, labis na kagalakan at paghanga ang naramdaman ni LTC ALI ALEJO, pinuno ng 86IB sa mga dating NPA na nagbalik loob sa pamahalaan. Aniya, labis ang kanyang pasasalamat sa pakikiisa ng mga rebel returnees sa adhikain ng gobyerno upang mapabuti ang kanilang kalagayan sa buhay at makapamuhay ng tahimik kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Muli hinimok ni Lt.Col Alejo ang natitira pang miyembro ng NPA at Militiang Bayan na magbalik loob sa gobyerno upang makatanggap ng tulong gaya ng mga nauna nangg niyakap ang programa ng pamahalaan