REBRANDING NG BUONG PROVINCIAL CAPITOL COMPLEX SA LINGAYEN, IPINANUKALANG TAWAGING ‘CAPITOL ESTATE’

Inihain sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang pormal na pagtatalaga ng buong Capitol Complex sa Lingayen, na tawagin bilang “Capitol Estate” na kabuuang termino sa buong komunidad na nagtatampok sa iba’t-ibang serbisyong panlalawigan.

Paliwanag ni Vice Governor Mark Lambino, saklaw ng tataguriang Capitol Estate ang lahat ng natapos at nagpapatuloy pang development plans na ipinatupad ng kasalukuyang administrasyon. Kabilang dito ang Capitol Park, Malong at Palaris Bldgs., Capitol Hotel, Pangasinan Polytechnic College, Urduja House, maging ang Narciso Ramos Sports and Civic Center.

Sa kabuuan, magiging saklaw ng Capitol Estate ang iba’t-ibang serbisyong panlalawigan tulad sa sektor ng edukasyon, administratibo, turismo at komersyo.

Sa ilalim ng panukala, layunin din magtatag ng kaukulang proseso at pondo para sa administrasyon, regulasyon, pagpapaunlad, at pagpapaupa sa ilang bahagi ng lugar, at ang komprehensibong seguridad sa buong Estate. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments