Recalled: Lahat ng Agents ng PDEA – Camarines Sur Kaugnay ng Akusasyong Robbery-Extortion

On recalled status ngayon ang lahat ng agents ng PDEA-Camarines Sur kaugnay ng akusasyon na involved ang mga ito sa isang robbery-extortion na naganap nitong nakaraang October 27, 2019.
Ayon sa pahayag ni PDEA Region 5 Director Christian Frivaldo, kanyang ni-recall ang lahat ng agents ng PDEA-Camarines Sur dahil sa lumabas na akusasyon na may kaugnayan ang mga ito sa 3-M robbery extortion na naganap sa Naga City nitong nakaraang linggo.
Binigyang-diin pa ni Frivaldo na iniangat na niya kay PDEA National Director Aaron Aquino ang bagay na ito upang ang main office na mismo ang magsasagawa ng pagsisiyasat kaugnay ng umanoy robbery-extortion.
Magugunitang isang Ricelyn Yebra y Riveral ang nagpakilalang asset umano siya ng PDEA at nagbigay ng sworn statement na inutusan umano siya ni PDEA Camarines Sur Provincial Officer Enrique Lucero na samahan niya ang isang Alanoding Tamora para mag-withdraw ng pera sa isang banko sa SM City Naga.
Si Tamora ay una ng na-ireport na nahuli sa isang drug-buy-bust operation noong October 27, 2019 na nakunan umano ng nasa isang kilong shabu.
Kabilang sa mga PDEA Agents na kabilang sa operasyon, ayon sa pahayag ni Yebra ay kinilalang sina agents Ken Villafuerte, Ken Ampongan, Mark Feleciano, at iba pang kinilalang sina Sir Third, Noel Vasquez, Warren Ibio, Roy Estela, Marcy, Isidro, Bongalon, at Jay Llaguno.
Nasa custody ngayon ng Naga City Police Office si Yebra at ang drug suspect na si Tamora na umano’y biktima ng robbery-extortion.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments