Reclamation projects sa Manila Bay, sinuspinde na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inanunsyo ni DENR Secretary Maria Antonio Yulo-Loyzaga na nakahold o suspendido na ngayon ang lahat ng Manila Bay reclamations projects.

Sa press briefing sa Malacañang, ipinakita ng kalihim ang naturang suspension order na mula sa Palasyo.

Ayon pa sa DENR chief, kasalukuyan na ring sinusuri ang lahat ng Manila Bay reclamation projects.


Matatandaang nauna nang inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos noong Lunes na isa na lamang sa mga ito ang itinutuloy dahil nauna na itong na-review.

Pero ayon kay Loyzaga, lahat na ng 22 reclamation projects ay sakop na ng suspension order at ipaaabot na ang mga kopya nito sa 22 proyekto na nasa Manila Bay.

Facebook Comments