RECORD BREAKING | Dalawang piraso ng melon na kasing mahal ng bahay, naibenta sa Japan

Japan – Dalawang piraso ng melon na tumubo sa prized region ng Yubari, Hokkaido, Japan ang naipagbili sa record-breaking price sa isang auction sa Sapporo Market.

Naibenta lang naman ito sa halagang 29,436.80 dollars o katumbas ng mahigit 1.5-million pesos!

Ayon sa winning bidder na si Shinya Noda, binili niya ang melon bilang selebrasyon ng 20th anniversary ng kanyang fruit and vegetable packaging company na Hokuyu Pack.


Balak niya raw itong i-display hanggang sa katapusan ng buwan saka hihiwain para gawing free samples sa kanyang mga customer.

Kung mura lang na mabibili sa ibang bansa ang prutas, sa Japan, itinuturing ito na luxury item na popular din na summer gift.

Facebook Comments