Record-high na COVID-19 cases nitong Huwebes, posibleng mahigitan pa – OCTA

Posibleng mahigitan pa ang record-high na 8,773 bagong COVID-19 cases na naitala nitong Huwebes, Marso 25, 2021.

Ayon kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, aabot pa ng isa hanggang dalawang linggo bago maramdaman ang epekto ng mas mahigpit na General Community Quarantine (GCQ) sa National Capital Region o ‘NCR Plus’ bubble.

Aniya, kapag nagpatuloy pa na nakapagtatala ng nasa 8,000 kaso ng COVID-19 at punuan pa rin ang mga ospital, irerekomenda na nilang palawigin pa ang dalawang linggong GCQ sa ‘NCR Plus’ bubble.


Pero hihintayin muna aniya nila ang dalawang linggo para makita ang resulta ng bubble.

Facebook Comments