Record-High ng Positive Cases ng COVID-19 sa Cagayan, Naitala

Cauayan City, Isabela-Muling nakapagtala ng mataas na bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Cagayan kung saan pumalo ito sa 681 ang positibo sa virus mula sa 28 lugar sa probinsya.

Sa datos ng Provincial Health Office, nananatili pa rin na may pinakamataas na bilang ang lungsod ng Tuguegarao na may 890 matapos makapagtala ng dagdag na kaso na 114 ngayong araw, September 9, 2021.

Ilan rin sa nakapagtala ng malaking bilang ng kumpirmadong kaso ang mga bayan ng Aparri, Ballesteros, Baggao, Sta. Ana, Gonzaga, Abulug, Lasam,Allacapan, Buguey, Sta. Praxedes at Solana.


Samantala, nakapagtala naman ng 24 na kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19 ang lalawigan kung saan mula ang apat na nasawi sa Tuguegarao City; tatlo sa mga bayan ng Aparri, Baggao, at Buguey; dalawa sa Alcala; isa sa mga bayan ng Ballesteros, Camalaniugan, Enrile, Gattaran, Gonzaga, Piat, Solana, Sto. Niño, at Tuao.

Bahagyang bumaba naman ang mga naitalang bilang ng naka-home quarantine sa Tuguegarao City kung saan nasa 276 na lamang ito habang umakyat naman ang bilang sa bayan ng Alcala na may 58; Baggao at Claveria na mayroong 54; may panibagong tala naman na 39 sa Gonzaga; 25 sa Solana; walo sa Allacapan; apat sa Abulug; tatlo sa Lal-lo at Sto. Niño.

Umaabot na ngayon sa 35,441 ang total recorded cases ng Cagayan habang 381 naman ang nakarekober ngayong araw.

Facebook Comments